“Pre musta na si misis, magaling na ba?” bungad ko kay Ritchie.
“Oo pre kulang lang pala sa lambing, ayun biglang gumaling nang binigyan ko ng matinding romansa ha ha ha”.
“Baka naman pre sinobrahan mo si misis eh mabinat yun”.
“Naku di mabibinat yun nakumpleto na ang iniksyon eh”.
Talagang maloko rin itong si Ritchie sa loob-loob ko, pero ganun pa man eh bilib ako sa kanya, di nagloloko, di mahilig sa lakwatsa lalo na pag babae, faithful husband ika nga.
“Ano pre nagkita na ba kayo ni tisay?” si Anne ibig nyang sabihin.
“Oo pre, at syota ko na, pero pare sa atin lang itong dalawa ha, wag mo nang ipagsasabi sa iba, kahit kay Joseph at kay Des”.
“Uy pasekre-sekreto ka pa ha, ayaw mo ba nun magiging sikat ka dito dahil nadale mo si tisay”.
“Di bale nang di sikat pare, basta wala dapat makaalam nyan kundi ikaw at ako lang”.
“Ok sinabi mo eh, anong score mo naman pre”.
“Jackpot pre…hanep…naikama ko na” pagyayabang kong bulong kay Ritchie.
“Ha, totoo ba yan” gulat ni Ritchie.
“Totoo pre, hayaan mo pagnagkita kami eh ipapakilala kita para naman makausap mo rin at makaliskisan ng harapan.”
“Birhen ba pre? Nadonselya mo ba?”
“Di na virgin pre, naunahan ako ng tarantadong first boyfriend nya”.
“Ok lang yan, ang mahalaga eh nakascore ka at saka pre di ka talo dun, bata na seksi pa at nakakalibog pagmasdan, ang lakas ng appeal…oozing ika nga. Ano naman pre ang rate mo pagdating sa pukpukan, magaling ba?”.
“Medyo sanay na pre pero di masyado, mukhang matagal nang di naaararo mula ng naghiwalay sila ng BF nya, ibig sabihin pang second pa lang ako sa kanya kaya sariwa pa, katunayan pre sa may mga karanasan na sa sex di hamak na mas masikip pa ang kay Anne at pare ang linis…ang bango ng ari..mamula-mula ang pisngi ng pipay nya at pinkish naman ang utong.”
“Pare mamaya na tayo mag-usap ha, tinitigasan ako sa kwento mo eh…baka di ako makapagpigil eh makauwi ako ng de-oras at humirit kay misis hehe.”
“Ha ha ha…o sige saka na lang tayo magkwentuhan, basta pre no talk to others ha lalo na kay Des.”
“Got it man, you can count on me” sabay balik ni Ritchie sa kanyang pwesto.
Maya-maya pa…”Carms phone call para sayo naligaw sa akin…line 2” si Joseph.
“Ok pre..thanks”. Dinampot ko ang phone, “hello”. “Hi Carms, good morning, ang daya mo di ka na tumawag” si Anne, buti na lang at hindi si Des ang nakasagot ng main line.
“Hi Anne, naunahan mo lang ako eh…pa dial na sana ako nang mag ring ang phone” boka ko.
“Talaga? Alam mo namimiss na kita…sunduin mo naman ako sa school mamaya kung di ka masyadong busy”.
“Ha…oo bah sige antayin kita sa gate ng school nyo” pabigla kong sagot. Patay…di ko naalala, ano idadahilan ko kay Des, may plano pa naman ako para mamaya, ah bahala na gagawa na lang ako ng alibi, bulong ko sa sarili.
“Yeheeyyy…susuduin ako ng prince charming ko” masayang bulalas ni Anne sa kabilang linya.
“Anong oras ka darating dito Carms?”
“Mga six thirty…okey ba sayo?”
“Yeah…cool…excited na ko hihihi.”
“Ok…antayin mo ko ha.”
“Oo naman…sige maliligo na ko, baka malate ako eh.” “Sige…take care sa byahe ha…I love u” bulong ko.
“I love you too…bye..muaaahh.”
Pagkababa ng phone ay biglang nagrewind na naman sa utak ko ang mga sandali ng ligaya sa piling ni Anne. Biglang lumitaw sa imahinasyon ko ang maganda niyang katawan, gusto kong ikumpara sa katawan ni Des pero pareho silang may mga katangian na di magkatulad. Halimbawa ay ang kutis, maputi si Anne at makinis, pero iba ang kaputian ni Des… mamula-mula at makinis din naman, kaya parehong malakas ang dating sa akin. Sumagi din sa aking diwa ang magandang mukha ni Anne na hugis puso kung pagmamasdan, ang masarap papakin nyang mga labi na kung titingnan mo ay parang laging basa. Ang nakaliyad na dibdib na talaga namang di nakakasawang hawakan, at ang pinakamasarap…ang kanyang PEPE na kay sarap dilaan at amuy-amuyin. Wheww… mga alalahanin na nakakapagpa-init ng aking pakiramdam.
Pilit kong iwinaksi sa aking isipan ang mga bagay na yun, mana pa ay isinubsob ko ang ulo ko sa trabaho, sa paghahanda ng financial statements na kailangan ng bosing ko… jingle lang ang pahinga hanggang oras ng pananghalian.
“Hoy loverboy lunchbreak na po noh, di ka ba kakain…sipsip nito” biro ni Des na may kasamang tapik.
“Ha…breaktime na ba?” “Opo… nandun na sina Ritchie sa canteen, tara na sabay na tayong kumain, gutom na ko eh” paglalambing nya.
“Sige tara”. Sabay kaming sumakay ng elevator papunta ng canteen sa pinaka last floor ng building. Habang nasa elevator ay hinawakan ko sya sa beywang, sya naman ay sumandig sa aking balikat at umangkla ang kamay sa aking braso… ang sweet naming tingnan sa loob-loob ko. Ibinaba ko sa may pwet ang aking kamay at sinalat-salat ang nakabakat na panty sa kanyang palda.
Kinurot ako… ”ano ka ba…baka may makakita” sansala nya.
Napapangiti kong inalis ang kamay ko at nang bumukas ang pinto ng elevator ay tuloy-tuloy kami sa loob ng kantina.
“Loverboy may lakad ka ba mamaya?” tanong ni Des habang sumusubo ng pagkain.
“Ha…eh pinapauwi ako ng maaga ni mommy, gustong pumunta sa amiga nya at gagawin yata akong dirver” pagsisinungaling ko na di makatingin ng deretso sa kanya.
Parang may guilt of conscience akong nararamdaman ng mga sandaling yun, ewan ko pero parang nag-alala ako. Di ko masyadong pinansin ang kunsensya, ipinagpatuloy ko ang pagkain.
“Bakit mo naitanong sweeti pie?”
“Ala lang…baka lang kako wala kang lakad eh magpapasama ako dyan sa may Shangrila. Malapit na kasi ang birthday ni daddy at gusto ko sanang magcanvass ng panregalo, papatulong sana ako sayo para makapili ng tamang regalo. Pero wag na lang... ako na lang mag-isa, kaya ko na yun… ang mahalaga eh maipagmaneho mo ang mommy mo.”
Parang mabibilaukan ako… ang hirap pa lang magsinungaling lalo na at isa sa mga mahal ko ang involved…pero di ako nagpahalata.
“Sorry Des ha… pero kung gusto mo tatawagan ko si mommy sasabihin ko magtaksi na lang sya at susunduin ko na lang mamaya” pakyeme ko.
“Naku wag… di naman ako papayag dun noh…mommy mo yun at dapat lang na bigyan mo ng first priority.”
“Wow… napaka understanding naman ng sweetie pie ko” pabulong kong puri na sya namang nagpangiti sa kanya.
Mag-aalas singko, katulad ng araw-araw na nangyayari, kanya-kanyang ayos ng gamit ang mga empleyado…naghahanda sa nalalapit na uwian, ang mga babae naman ay abala sa pagreretouch ng kanilang kolorete sa mukha at isa na dun si Des.
“Sweetie pie tara na…sabay na tayong bumaba…isasakay muna kita ng jeep pa-shangrila bago ako umuwi” alok ko. Tumango lang at sumabay sa akin pababa.
“Sige na mauna ka na loverboy para maaga kayo ng mommy mo.”
“Isasakay muna kita.”
“Asus para namang saksakan ng layo ang pupuntahan ko, eh pede ko ngang lakarin yun eh noh.”
“O sige, pero ingat ka ha.”
“Oo naman…ikaw rin ingat sa pagmamaneho ha.”
“Opo…o pano una na ko ha” pinisil ko sa kamay at binulungan ko ng “I love you”.
“I love you rin…” pabulong na sagot.
Habang tumatakbo ang aking auto papuntang La Concordia ay naramdaman ko na naman ang guilty feeling para kay Des. Naaawa ako at parang may sumbat sa sarili kung bakit pinabayaan ko syang lumakad ng mag-isa. Subalit habang nalalapit ako sa aking patutunguhan ay napapalitan ng kasabikan ang aking pag-aalala. Iniisip ko kasi na ilang sadali na lang ay makakapiling ko na naman si Anne, maaamoy ko na naman at masisimsim ang kanyang bango. Naglalaro sa aking isipan ang mga bagay na posibleng mangyari ulit sa amin… saan kaya kami hahantong ni Anne mamaya… mauulit kaya ang aming pagniniig ngayon na aking kinasasabikan? mga tanong na mamaya ko pa lang malalaman ang kasagutan.
Ilang sandali pa ay narating ko rin ang school ni Anne, dahan-dahan ko pa lamang inihihinto ang auto sa may tapat ng gate ng school ay namataan ko na agad sya… may kausap na dalawang estudyanteng babae, kaklase nya marahil. Kay gandang tingnan ni Anne sa kanyang school uniform, babaeng-babae ang look… nakakaakit at kahit na siguro ang taong lipas na ang sexlife ay pilit babalik ang kasiglahan sa sandaling makita ang kagandahan at kaseksihan ni Anne. Bumusina ako at swerte naman na nakita nya agad at nakilala ang aking sasakyan, hindi na ko mahihirapan pa na maghanap ng paparadahan. Kumaway sya… waring nagpaalam sa mga kasamahan at saka nakangiting tumakbo papalapit sa akin. Dinukwang ko ang knob ng pinto ng auto sa unahan at binuksan upang makasakay ng deretso si Anne.
“Hi Carms…” nakangiting bati sabay sakay sa front seat.
Pagkasakay ay dumukwang sabay halik sa akin…
”I missed you so much” ang wika.
Naamoy kong muli ang kakaibang bango na aking hinahanap-hanap sa kanya.
“Ako din miss na miss na kita” ganti ko naman.
Pinatakbo ko ang sasakyan…”saan tayo Anne, ihahatid na ba kita? Tanong ko.
“Maaga pa Carms, mamasyal muna tayo…kung saan mo gusto” sagot nya.
Yun ang hinihintay kong go signal. Binagtas ko ang daan papuntang makati, pagkatapos ay lumiko ako sa may Edsa at tinahak ang papuntang Pasig. Mabilis ang aking ginawang patakbo, parang naghahabol ng oras, nagmamadali na para bang ayaw masayangan kahit na isang sandali, at maya-maya pa nga ay natanaw ko na ang signboard ng aking pakay, ang karatulang may ilaw…”Victoria’s Court”.
Alam kong alam nya kung saan at ano ang plano ko, pagdating sa tapat ng Victoria’s Court motel ay pinihit ko ang manibela papasok sa loob, hindi na nabigla si Anne… malamang na inaasahan na nya ang ganito.
“Hindi ba muna tayo kakain?” tanong nya.
“Sa loob na lang, oorder ako ng pagkain natin” sagot ko naman.
Sa loob ay may attendant ang motel na nagtatanong kung VIP or regular, halos doble ang presyo ng pang VIP kaya regular lang ang kinuha ko, pagkatapos ay itinuro na ng attendant ang bukas na garahe kung saan ko ipinasok ang sasakyan at mabilis namang hinatak pababa ng attendant ang pintuan ng garage. Sa mga sanay nang pumasok ng motel ay alam na nila na pagbaba ng sasakyan ay may hagdanan sa loob ng garage kung saan sa pagakyat mo ay isang kwarto ang tatambad sayo sa itaas.
Inalalayan ko si Anne at pumanhik na kami sa itaas. Sa loob ng kwarto ay may isang pitsel ng malamig na tubig at dalawang baso, sa lapag ng mesita ay may menu list ng mga pagkain na pwedeng orderin sa intercom. Inilock ni Anne ang pinto at saka humilata pabagsak sa malambot na kama.
“Ano gusto mong kainin Anne” tanong ko.
“Roasted chicken na lang at green salad minus dressing, palagyan mo ng brown bread, plus a bottle of SanMig Light” hiling nya.
Umorder ako para sa dalawang tao. Sa loob ay palinga-linga si Anne, waring kinakabisa ang bawat sulok ng motel, o dili kaya ay pilit na ibinabalik ang nakaraan nila ng kanyang first BF…. siguro ay sa isang motel din siya nadonselya ng gunggong nyang boyfriend. Nang mga sandaling yun ay di na mapakali ang aking alaga, panay ang pitlag, dahil na rin sa susunod na magaganap sa loob ng munting silid na yun na pilit umuukilkil sa aking isipan na syang nagdidikta sa galaw ng aking manok. Ngunit kailangan kong pigilin nang kahit panandalian lamang dahil na rin sa inaasahan ko na anumang oras ay kakatok ang attendant ng motel upang i-serve ang aming order at magtanong ng iba pa naming pangangailangan.
Di ako nagkamali, ilang sandali lang ay kumatok na ang attendant dala-dala ang aming order. Sabay kaming kumain ni Anne. Habang kumakain ay panay ang titigan namin, namumungay ang kanyang mga mata at tinititigan ako ng may kalandian habang marahang kumakagat ng chicken, at saka ilalabas ang dila at didilaan ang mga labi na nabahiran ng mantika. Sa madaling sabi, inaakit ako ni Anne. Lalong tumindi ang aking pagnanasa sa magandang dilag na ito, gusto ko na sanang dambahin dangan nga lamang at nasa harapan kami ng pagkain na dapat irespeto. Yan ang natutunan ko sa aking mga magulang, ang pag respeto sa harap ng hapag kainan. Pero ang nasa isip ko…humanda ka pagkatapos nating kumain, pati mata mo sisipsipin ko hehehe.
Itutuloy
0 comments:
Post a Comment