Pages

Saturday, September 29, 2012

Sex Stories: Bagong Experience (Last Part)

"Dito na lang ako Micah. I can take it from there." sabi ni Diana pagkababa sa sasakyan ni Micah.



"Sigurado ka bang alam mo ang pupuntahan mo?" tanong ni Micah. "I can take you all the way. Gusto ko rin makita kung sino ang Bob na ito."



"No, kaya ko na ito." sabi ni Diana. "Madali namang makita ang meeting place."



"Yeah I know but don't you want me to be around? Just in case this guy is a total nut?"



"Don't worry about me. Saka remember Randy is waiting for you."



"I know." sabi ni Micah. "Libog na libog na sa akin yun. Saka friend, fertile na fertile ako ngayon. Kapag hindi pa ako nabuntis ng lokong yun ewan ko na lang."



"Sige na. Go on. I'll tell you all about it tomorrow."



"You better!" tawa si Micah at pinaandar na ang sasakyan niya,



Lumakad si Diana papunta sa meeting place nila. Isang bagong gawa na park ito kung saan merong mini-zoo at palarong pambata. Maraming mga bata ang naghahabulan. Mukhang may masquerade party since naka-maskara ang mga bata at ang ibang mga tao dito. Ang sabi ni Bob ay magkikita

sila kung saan nakatayo ang isang pine tree.



Pero ang daming pine tree! Lumapit siya sa isang puno at hinawakan ito. Artificial ito. Pumunta naman siya sa kabilang puno. Artificial pa rin. Saan yung sinasabi ni Bob na pine tree?



And then nakita niya ang isang mataas na pine tree sa gitna ng park. "Doon siguro." sabi ni Diana sa sarili at binagtas niya ang daan patungo dito. Sure enough, may isang lalaki na nakatalikod sa ilalim ng pine tree. Lumakad palapit si Diana at nang malapit na malapit na ay tinawag ang pangalan nito.



"Bob?"



Humarap ang lalaki. Naka-maskara ito katulad ng maskarang suot ni Bob. Ngumiti ang lalaki kay Diana.



"You are so beautiful."



"Bob?" natigilan si Diana. Parang kilala niya kasi ang boses nito. Pagkatapos ay tinanggal ni Bob ang maskara niya at tumambad sa harap ni Diana ang tunay na mukha ni Bob. Si Paul.



"Paul?" gulat si Diana. "You are Bob? You are Bob all the time?"



"Yes." sabi ni Paul. "My full name is Robert Paul Maghunos. My friends used to call me Bob in school. However when I graduated, most of them simply called me Paul."



"Do you know all along?" tanong ni Diana. "Do you know who I really am all along?"



"Not at first." sagot ni Paul. "But you didn't change your name so I put two and two together and... Well, the rest is history."



Hindi sumagot si Diana na takang taka pa rin sa rebelasyong ito. Lumapit si Paul at hinawakan siya sa balikat.



"I know you expect Bob not me." sabi ni Paul. "I can see it in your eyes. You're expecting someone better. How I wish I can be that someone---"



"No." sabad ni Diana. "That's not what I'm thinking."



"It's you." patuloy ni Diana at gumilid ang luha sa mata nito. "I was hoping you are him."



Ngumiti si Paul at niyakap si Diana. Hindi niya namalayan na tumulo din ang luha niya nung maglapat ang mga labi nila sa isa't isa. Mahigpit ang yakap nila na parang matagal silang hindi nagkita.



"I love you. I love you so much." sabi ni Paul.



"I love you too." bulong ni Diana kay Paul. "I truly, truly love you."



Hindi nila namalayan na mayroong mga bata na nanonood sa kanila at ang iba pa dito ay umupo sa tapat nila. Nung mapansin nila Paul at Diana ay nagtawanan ang mga ito.



"Parang movie." sabi ng isang bata. "Siya si Piolo, siya naman si Juday."



"Hinde ano!" sabad ng isang bata. "Siya si Richard Gutierrez, siya naman si Darna!"



"Piolo!"



"Richard!"



Natawa na lang si Paul at si Diana habang nagtatalo ang mga bata. Nung makapag-isa ulit ay may binulong si Paul kay Diana.



"Gift? May gift ka sa akin?" bigkas ni Diana.



"No, not for you." sabi ni Paul at pagkatapos ay ipinakita nito ang regalo. Dalawang maliit na mga sapatos, isang kulay blue at isang kulay pink.



"Hindi ko alam kung ano ang gender ng magiging anak natin." sabi ni Paul.



"Kaya naninigurado ka?"



"The same as I'm about to do now. Diana will you marry me?"



Nag-isip kunyari si Diana maya-maya'y mabilis na tumango ito.



"Is that a yes?" tanong ni Paul.



"Hindi lang isang YES, maraming YES." sabi ni Diana at hinalikan muli ang labi ni Paul. "Let's eat na. I'm feeling very hungry na."



"Talaga? Why didn't you say so. For my pregnant wife we'll go to the place na talagang mabubusog ka. Pizza Hut!"



"Wow. I can't wait. Sa akin ang buong family size ha?" sabi ni Diana at pareho na silang lumakad papunta sa kainan.



EPILOGUE



Kinasal sa simbahan si Paul at Diana kung saan en grande ang naging kasal nila. After a few months, nanganak ng isang bouncing baby boy si Diana na kamukhang kamukha ni Paul. Dahil maganda ang teamwork ng management team ni Paul ay nagsimulang mag-expand ang company nila sa ibang bansa kung saan almost every week ay lumilipad si Paul palabas ng bansa. After two years ay nabuntis ulit si Diana kung saan babae naman ang naging anak nila.



Bago ikasal si Paul at Diana ay nagpakasal itong si Luisa at si Raymond. After nine months ay nagsilang si Luisa ng isang babae. Tuwang tuwa si Luisa dahil sa wakas ay na-experience din niya ang maging magulang. Si Raymond naman ay na-promote sa trabaho at naging assistant sales manager ng kumpanya nila. Hindi nagkatuluyan si Micah at si Randy na nung huli ay naging magkaibigan na lang. After a year ay nakilala ni Micah ang isang foreigner na may-ari ng isang software company sa U.S. Ikinasal si Micah sa foreigner at sila ay namuhay sa ibang bansa. It turns out na mayroon pa lang problema ang ovary ni Micah kaya hindi ito nabubuntis. Nag-undergo sila ng artificial insemination kung saan naging successful ito at nagbuntis si Micah ng isang baby girl.



Dahil sa ipinakitang dedication sa trabaho ay pinromote ni Paul si Jorge as country manager ng expansion nila sa Thailand. Hindi naman siya nagsisi dahil talagang maganda ang naging resulta ng pag-head ni Jorge sa Thailand kahit merong mga kaunting issues tungkol sa pag-uugali nito.



Hindi nagtagal si Beth sa kumpanya at lumipat din ito sa iba one month after ikasal si Paul at Diana. Dahil masama ang ugali ay hindi na ito nakapag-asawa. Ngunit nakapag-ipon ito ng malaking pera para maging co-franchisee ng isang outlet ng Mc Donalds. Tumigil na sa pagtatrabaho si Beth at naging investor na lang sa stock market kung saan natuto siyang palaguin ang kanyang pera.



And for those who are wondering kung bakit magkaiba ang apelyido ni Paul sa ama nito na si Mr. Valerio, it's because babaero ang ama ni Paul nung araw. Naanakan nito ang nanay ni Paul na Maghunos ang apelyido at matagal na itinago si Paul sa ama niya. Nung maka-graduate si Paul ay nagpakilala ito kay Mr. Valerio at binigyan siya ng trabaho na draftsman muna bago siya naging team leader. Tuluyan nang nag-retire si Mr. Valerio na ang kasiyahan sa buhay ngayon ay ang alagaan ang mga apo niya sa tuwing bumibisita ito sa kanya.



WAKAS

0 comments:

Post a Comment