Ngunit nasundan muli ang ginawa niya sa akin. Itinaon niyang mag-isa uli ako sa bahay at araw pa man din kung kailan wala sa bahay ang aking asawa dahil pumasok sa trabaho at nag-aaral ang mga anak namin. Mas malakas ang loob ni Nanding ng araw na iyon. ‘Di ko nga sukat-akalain na darating siya at wala akong kaalam-alam na nakapasok na pala siya sa loob ng aming pamamahay na hindi ko man lang nalalaman.
Nasa kusina ako noon nang bigla siyang pumasok na lang. Akala ko, ang asawa ko lang na hinawakan ako sa bewang. Hindi ko kasi nakita ang pagpasok niya dahil nakatalikod ako at naghuhugas ng kaldero sa lababo. Hindi ko rin narinig kahit kaluskos man lamang niya dahil siguro ingat na ingat din sa pagpasok para hindi ko marinig.
Sa gulat ko ay hinarap ko kung sino ang humawak sa aking bewang na sinundan pa ng pagtapik sa aking balikat. Si Nanding na naman! Inamoy ko kung lasing ngunit hindi naman at wala rin sa itsura niya ang nakainom ng alak gaya ng unang pumasok siya sa bahay namin na mag-isa lang ako.
“Bakit bumalik ka pa?” sabi ko. Hindi ako sinagot, sa halip ay niyakap at sinibasib ako ng halik sa labi. Lumaban ako ngunit nangibabaw ang kanyang lakas. Nang pagbantaan kong sisigaw ako para marinig sa bahay nila ay lalo pa akong niyakap at hinalikan sa labi.
Pilit akong nagpupumiglas mula sa kanyang yakap ngunit pinag-ibayo pa ni Nanding ang pagkakayakap sa akin at para siguro hindi ako makasigaw ay mariing hinalikan ang aking labi. Saka lang niya ako binitawan nang hindi na ako gumagalaw at hinayaan siya sa kanyang kalapastanganan. Ngunit ramdam ko ang kanyang mga halik sa aking labi.
“Umalis ka na bago pa makarating sa asawa ko ito,” sabi ko sa kanya. Ngunit hindi natinag sa kanyang kinatatayuan si Nanding. “Kursunada kita at kung payag ka, wala namang makakaalam nito dahil itatago natin at matutulungan pa kita,” ayon sa kanya.
Hindi ako nakakibo sa kanyang sinabi. Pero aaminin ko sa iyo Xerex na natukso ang isip ko sa inaalok ni Nanding. Alam kong malaki ang kanyang maitutulong sa akin sakaling pumayag ako ngunit namamayani rin sa dibdib ko ang takot sakaling sumawsaw ako sa pagkakasala.
Nakatulugan ko pa ang pag-iisip. Kaya lang ako nagising dahil parang naalimpungatan at iyon pa rin ang laman ng isip ko, ang nangyari sa amin kahapon at ang nakatakdang pagkikita namin ni Nanding ng araw na iyon. Hindi ako makakilos ng maayos kahit mag-isa na lang sa bahay. Hindi ko tuloy nagawa ang mga dapat gawin dahil parang nanlalata ang aking katawan dala na rin ng pagkapuyat sa halos magdamag na pag-iisip.
Wala akong nabuong desisyon kundi kusang sumipot na lang sa lugar na sinabi ni Nanding sa akin. Pagdating ko roon ay nandoon na siya. Kita niya agad ako habang naglalakad papalapit pa lang sa lugar na sinabi niya sa akin. Nang makalapit na ako ay nagkunwari si Nanding na kinakausap niya ako tungkol sa pera ngunit pabulong na sinabihan akong palipasin ko lang daw ang ilang minuto at sundan ko na siya kung saang direksyon pumunta.
Parang amo ko siya na sunud-sunuran lang ako kung ano ang ibig niyang ipagawa sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay sinundan ko siya palabas ng palengke. Hinihintay lang pala niya ako sa labasan at saka lang siya tumawag ng tricycle at doon kami sumakay. Saka niya pinara ang tricycle nang makalayo na kami sa lugar namin at pumara naman ng jeep.
Habang lulan ng jeep ay saka ipinaliwanag sa akin ni Nanding na kaya lang niya ginawa iyon, para makaiwas sa sinumang maaaring makakita sa amin. Dito ko siya tinanong kung saan kami pupunta. Sa mas ligtas na lugar lang daw kami pupunta para makapag-usap.
Sa isang karinderya kami tumuloy. Umorder pa siya ng pagkain at habang kumakain kami ay saka lang niya binuksan ang usapan tungkol sa amin. Ipinaliwanag niya na hindi raw niya gustong guluhin ang buhay ng pamilya ko. Ayaw rin daw sana niyang gawin iyon na pinuntahan pa ako sa bahay kung hindi lang dala ng kalasingan niya noong unang pumunta siya sa amin. Ang pangalawa ay ginawa raw niya dahil alam na raw niyang ako lang ang tao sa bahay.
“Ano’ng gusto mo?” sabi ko sa kanya habang nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Nanding. Gaya ng dati, walang kagatul-gatol na ipinagtapat sa akin ni Nanding na ako ang gusto niya at wala nang ibang dahilan.
“Eh bakit ako pa, may asawa na ako,” isinagot ko sa kanya. Ngiti lang ang itinugon ni Nanding sa akin. Nang makita siguro na parang nag-uusisa ako sa pagkakatingin sa kanya ay saka lang sumagot. “Wag mong isipin na sinasamantala ko ang problema n’yo, kursunada na talaga kita noon pa. Sabi ko nga sayo, bata ka pa at maganda. Mukhang matanda ka lang dahil sa problema n’yo,” ayon sa kanya sabay ngumiti uli.
Magsasalita pa sana ako ngunit pinutol agad ni Nanding. Sinabihan ako na mabuti pang kumain na lang daw kami. “Saan tayo pupunta pagkatapos dito?” sabi ko sa kanya. Wala raw kaming ibang pupuntahan kundi doon lang para mag-usap.
Buong akala ko na ng mga sandaling iyon ay yayayain agad ako ni Nanding kung saang lugar para magawa ang gusto niyang gawin sa akin ngunit hindi pala. Naging mabait siya sa akin ng araw na iyon. Habang nasa loob kami ng karinderya ay inasikaso niya ako bagay na hindi na nagagawa sa akin ng asawa ko dahil subsob sa trabaho.
Pansamantalang nawala sa loob ko ang pag-aalala. Matapos makakain ay kinausap na ako ng masinsinan ni Nanding. Naging usapan namin na sa labas lang magkikita. Kung may kailangan daw ako ay sabihin ko na sa kanya kapag magkasama kami at hindi puwedeng pupuntahan ko pa siya sa bahay nila. Mabuti na raw iyon para makaiwas sa mga suspetyosong mata sa lugar namin.
“Binabayaran mo ba ako?” sabi ko sa kanya. Natawa si Nanding sa sinabi ko sabay inakbayan ako at pabulong na sinabing, “Madali lang makakuha ng babae kung pera-pera ang usapan pero ayoko ng ganun.” Hindi na ako kumibo sa aking narinig.
Nang maghiwalay kami ng araw na iyon ay alam ko na sa aking sarili na nakalubog na ang isang paa ko sa kumunoy ng pagkakasala. At unti-unti akong lumulubog habang tumatagal na nagkikita kami ni Nanding. Ang mga bagay na hindi ko naisip na gagawin ko pala balang araw ay nagsimula ko nang gawin sa kanya. Tinukso ako at nagpatukso naman ako hanggang sa tuluyang lumubog ang aking pagkatao.
Magmula noon ay ginampanan ko na ang ibig mangyari ni Nanding. Ngunit hindi kabit ang turing niya sa akin. Alagang-alaga niya ako. Hindi man ako humihingi sa kanya ay kusa niya akong binibigyan bago kami maghiwalay kapag nagkikita. Kabilin-bilinan lang niya sa akin na huwag ko raw ipapahalata sa bahay kapag binibigyan ako dahil siguradong pagdududahan ako. Sinunod ko naman ang kanyang bilin dahil alam kong totoo iyon.
Kapalit ng kagandahang-loob ni Nanding sa akin ay ang aking katawan. Sa simula ay pinandirihan ko kapag may namamagitan sa amin. Ngunit kalaunan ay nakasanayan ko na rin. Aaminin ko rin sayo Xerex na dumating ako sa puntong nasiyahan na rin sa ginagawa namin ni Nanding, siguro dahil na rin sa ipinakita niyang kabaitan sa akin.
‘Yun lang Xerex, inaabutan ako ni Nanding ngunit hindi ko mapakinabangan ng husto para sa aking pamilya. Hindi ko sila puwedeng bigyan dahil imposibleng hindi magtatanong ang asawa ko kung saan galing ang pera.
Isa lang ang naisip ko para magamit ang pera. Binabayaran ko pakonti-konti ang mga nahiraman namin. Walang kaalam-alam sa ginawa ko ang aking asawa. Ang pagkakaalam niya ay marami-rami na kaming pinagkakautangan ngunit inunti-unti ko nang binabayaran ang mga ‘yun mula sa perang ibinibigay ni Nanding sa akin.
Guminhawa kahit paano ang kalooban ko dahil gumaan na ang mga kompromiso namin. Ngunit kapalit nito ang katawan ko. Minsan binabagabag ako ng konsensya dahil sa mga ginagawa ko lalo na noong nag-uumpisa pa lang kami ni Nanding. Wala akong magawa dahil nakalublob na ang buong katawan ko sa pagkakasala. Iniisip ko na lang na para rin sa kapakanan ito ng aking pamilya.
Ngunit ewan ko ba kung bakit sa kabila nito ay natutunan ding tanggapin ng kalooban ko si Nanding. Nawala ang pandidiri ko kapag nagtatalik kami. Palibhasa napakabait niya sa akin. Ang dating takot ay napalitan ng kaligayahan kapag kasama ko siya. Ewan ko ba kung bakit biglang nagbago at lumambot ang damdamin ko sa kanya kahit alam kong mali na itong ginagawa ko.
itutuloy . . .
0 comments:
Post a Comment