Isang bagay lang ang napansin ko. Mula nang magbago ang damdamin ko kay Nanding ay parang nag-iba naman ito sa aking asawa. Mas gusto ko pang kasiping si Nanding kaysa sa mister ko. Tingin ko mas nasasarapan ako tuwing patago kaming nagkikita ni Nanding kaysa palagian na lang katabi ko sa pagtulog ang lalaking pinakasalan ko.
Simula rin kasi noong nagkaroon kami ng mga problema sa bahay ay nawalan din kami ng panahon ng aking asawa para sa isa’t isa. Nasubsob ang kanyang isip sa pagtatrabaho dahil sa hirap ng buhay namin. Ako naman ay natuon sa paggawa ng paraan upang makatulong sa kanya lalo na kapag nagigipit kami. Mag-asawa nga kami ngunit wala nang namamagitang pisikal sa amin.
Iba si Nanding dahil agresibo siya sa kama. At nang matutunan ko nang tanggapin ang relasyon namin ay lalo pa siyang naging mainit sa pagtatalik namin. Nadadala ako sa kanyang kapusukan. Sabi pa nga ni Nanding sa akin, masarap daw pala ang ganito. Umayon ako sa kanyang sinabi dahil nasasarapan na rin talaga ako sa piling niya.
Minsan sa pag-uusap namin, binanggit sa akin ni Nanding na ano raw kaya kung maghanap na lang kami ng kahit maliit na kuwartong matutuluyan kapag nagkikita kami. Nagulat ako sa narinig sa kanya. Unang sagot ko agad ay, “Sobra na yata ang gagawin natin.”
Matagal-tagal na rin pala niyang pinag-iisipan iyon. Kaysa lagi na lang daw kaming pumapasok ng motel, mas mabuti pa kung maghanap ng kuwarto na kahit anong oras ay puwede naming puntahan. Dalawang-isip ako sa kanyang sinabi. “Parang ibabahay mo na ako n`yan,”sabi ko.
Ngumiti si Nanding sabay sabing kung gusto ko ay magsama na lang kami. Hiwalayan ko na raw ang aking asawa at ihahanap niya ako ng matutuluyan. Nang tanungin ko kung ganoon din ang gagawin niya ay umiling si Nanding. Ako lang daw at doon na lang niya ako pupuntahan sa tutuluyan ko.
“Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” tanong ko kay Nanding. Tumango siya sabay sabing matagal-tagal na rin daw niyang pinag-iisipan ang bagay na iyon. Ngayong napag-usapan na rin lang daw namin ay mabuti pang ituluy-tuloy na namin tutal matagal na rin ang itinatago naming relasyon.
Hindi ako nakahanda sa iminungkahi niya sa akin. Maraming bagay ang pumasok agad sa isip ko. Niloko ko na ang aking asawa iiwanan ko pa ngayon ang pamilya ko. Hindi ko masagot agad ang gustong mangyari ni Nanding sa aming dalawa.
Siya naman ay kinumbinsi ako ng kinumbinsi. Kagagahan, ewan ko ngunit napapayag ako matapos ang ilang ulit pa naming pagkikita at pangungumbinsi niya sa akin. Plinano niya muna ang lahat bago ako tuluyang tumalikod sa aking pamilya.
Naghanap ng matutuluyan kong kuwarto si Nanding. Nang makatagpo ay isinama ako para makita ko raw muna ang lugar at kung gusto ko ay kukunin na niya. Sinadya ni Nanding na malayu-layo sa lugar namin ang hinanap niyang kuwarto. Walang nakakakilala sa amin sa lugar na iyon. Pabor daw iyon para sa aming dalawa para akalain na bago pa lang kaming nagsasama bilang mag-asawa.
Pinag-aralan din namin ang araw ng pag-alis ko na siyempre itinaon kong walang tao sa bahay. Isang sulat ang inihanda ko para sa aking asawa’t mga anak ilang araw bago ang pinag-usapan namin ni Nanding na araw ng pag-alis ko. Hindi rin ako naghanda ng damit para hindi makahalata ang asawa ko. Saka lang ako nag-apura na ipunin ang mga damit ko at ilang personal na gamit ng araw na mismo ng pag-alis ko.
Sa sulat ay hindi ko nagawang ipagtapat sa aking asawa ang totoong dahilan ng pag-alis ko. Hindi ko sinabi na kapitbahay lang namin ang lalaking sinamahan ko dahil siguradong malaking gulo at eskandalo ang mangyayari. Ang totoo ay hindi ko binanggit sa sulat na may sasamahan akong ibang lalaki. Ang sinabi ko na lang ay magbabaka-sakaling makatagpo ng maganda-gandang kapalaran at saka ko sila babalikan.
Ngunit bago ko inabandona ang aking pamilya ay may nabuo nang plano sa isip ko. Sakaling hindi maging maganda ang pagsasama namin ni Nanding ay babalikan ko ang aking pamilya. Siguro naman ay tatanggapin pa rin ako ng aking asawa’t mga anak kapag idinahilan ko sa kanila na nabigo akong makatagpo ng magandang kapalaran sa ibang lugar.
Sakaling maging maganda naman ang pagsasama namin ni Nanding ay hinding-hindi ko na sila babalikan. Inisip ko na magpadala na lang minsan ng pera buhat sa maiipon ko galing sa ibinibigay sa akin ni Nanding. Sa ganitong paraan man lang ay makatulong ako at mabawasan ang aking kasalanan sa kanila bagama’t alam kong walang kapatawaran itong ginawa ko kung malalaman lamang ng aking asawa ang buong katotohanan kung bakit iniwan ko sila.
Parang nagsisimula uli ako sa piling ni Nanding. Usapan namin na hindi magkakaroon ng anak dahil baka maging kumplikado na ang sitwasyon kapag nabuntis ako at nagsilang. Pumayag ako sa ganung usapan dahil naranasan ko na ang magkaroon ng pamilya at hindi ko makayang buhayin. Sinabi ko kay Nanding na ayoko nang maulit pa iyon.
Kinukuwento na lang ni Nanding sa akin ang kanyang mga nababalitaan sa bahay namin. Naglasing ang asawa ko at nagwala. Usap-usapan daw sa lugar namin ang bigla kong pagkawala. Kahit hindi ko sinabi ang totoo sa iniwan kong sulat, duda raw ang asawa ko na may sinamahan akong iba.
“Bumalik ka man siguro baka hindi ka na tanggapin sa inyo,” ayon kay Nanding. Wala na akong magagawa pa. Nandoon na. Nagpasya na ako at hindi ko na tinalikuran pa ang napag-usapan namin ni Nanding. Ikinatakot ko lang noon na baka malaman ng kanyang asawa ang totoo na siya ang dahilan ng paglayo ko sa aking pamilya. Ngunit pinawi ni Nanding ang pangamba ko sa pagsasabing pakaiingatan daw namin ang aming pagsasama.
Nagsama nga kami bilang mag-asawa ngunit panay pagtatalik lang ang nangyayari. Pinupuntahan ako ni Nanding kapag nakakagawa siya ng dahilan para hindi umuwi sa kanila sa loob ng ilang araw. May mga pagkakataon na sandali lang siya at umuuwi rin agad.
Kapag nasa akin si Nanding ay walang ibang nangyayari kundi tikiman lang ng tikiman. Walang kasawa-sawa si Nanding. Tuwing nasa akin siya ay panay sex lang ang ginagawa namin. Napansin ko pa nga na parang mas lalo siyang naging mapangahas sa mga pagtatalik.
Ang mga hindi niya ginagawa sa akin noong nagmo-motel pa kami ay nagagawa na niya nang mangupahan na kami ng kuwarto. Naging mas agresibo si Nanding na parang laging sabik na sabik sa akin. May araw nga na kararating pa lang niya sa akin ay nagyayaya na agad na mag-sex kami.
Ngunit hindi nagbago ang kanyang ugali na mabait pa rin sa akin. Ako naman ay wala nang ginagawa kundi alagaan ang aking sarili. Wala naman kasi akong ibang pinagkakaabalahan. Kaya hayun, kabit talaga ang naging papel ko sa buhay niya. Napansin din ni Nanding ang pagbabago sa akin dahil bumabalik na raw ang dati kong itsura mula nang makalayo sa problema ng aking pamilya.
Ganun daw ang gusto niyang mangyari na alagaan kong mabuti ang aking sarili. Nagsawa na raw kasi siya sa kanyang asawa na magmula nang magkaroon sila ng mga anak ay hindi na marunong alagaan ang sarili, palibhasa abala sa kanilang bahay.
Ang totoo, kaya ko ginagawa ito ay dahil natatakot ako na balang araw ay magbago rin ang isip ni Nanding at hiwalayan ako. Iniisip ko na sakaling mangyari iyon ay wala na akong mababalikan pang pamilya. Kaya bukod sa pagpapaganda para hindi niya iwanan ay lihim din akong nag-iipon sa bawat ibinibigay niya. Hindi niya alam ito at ayoko ring banggitin sa kanya.
Naging open na rin ako pagdating sa sex dahil kay Nanding. Marami akong natutunan sa kanya. Ang mga bagay na dati’y hindi ko ginagawa sa aking asawa ay natutunan kong gawin sa kanya. Parang nag-eeksperimento kami kapag nagtatalik. Marami siyang sinusubukang ipatikim sa akin.
Sa umpisa ay parang nahihiya pa ako sa kanya. Nakakapanibago dahil noon kapag nagtatalik kami ng asawa ko ay iyong mga pangkaraniwang ginagawa lang ng mag-asawa ang naranasan ko sa kanya tulad ng romansahan muna at kapag matigas na matigas na si ‘Pedro’ ay ipapasok na niya ito sa akin. Saka aarangkada nang todo-todo, sagad-sagaran hanggang sa labasan.
itutuloy....
0 comments:
Post a Comment